-- Advertisements --
typhoon rolly

Lalo pang lumakas ang typhoon Rolly na ngayon ay nasa 990 km na sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Itinaas na rin ng Pagasa ang signal number 1 sa bahagi ng Catanduanes.

Habang taglay naman nito ang lakas ng hangin na 185 kph at may pagbugsong 230 kph.

Pero hindi pa rin umano ito matatawag na super typhoon dahil hindi pa sapat ang intensity ng dala nitong hangin.

Sa kasalukuyan ay kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

Ang ibang mga weather agency sa ibang bansa tulad ng Joint Typhoon Warning Center sa Hawaii ay tinawag ng supertyphoon si “Rolly.”

Para sa kanila, taglay na raw kasi nito ang lakas ng hangin na umaabot ng hanggang 270 kph.

Samantala, ang isa pang binabantayang bagyo ay nananatili sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Namataan ito sa layong 1,885 km sa silangan ng Visayas.

Tatawagin namang “Siony” ang tropical disturbance na ito, kapag nasa loob na ng Philippine territory.