-- Advertisements --

Humina na at naging extratropical cyclone na lamang ang Typhoon Tapah na nag-iwan ng ilang kataong sugatan sa bahagi ng katimugang Japan.

Ayon sa Fire and Disaster Management Agency, nag-iwan ng 50 kataong sugatan ang nasabing bagyo na may dalang malakas na hangin sa mga rehiyon ng Okinawa at Kyushu.

Sinabi naman ng Kyushu Electric Power Co., naputol din ang suplay ng kuryente sa isla ng Kyushu kung saan umabot sa 30,000 kabahayan ang nakaranas ng blackout.

May nararanasan ding air and rail traffic disruption sa rehiyon, base naman sa pahayag ng Kyushu Railway Co.

Sa pahayag ng Japan Meteorological Agency, may umiiral na mainit na hangin sa parte naman ng kanluran at silangang Japan na magdadala ng malakas na buhos ng ulan sa ilang mga lugar. (Kyodo News)