-- Advertisements --

Pumayag na umano si dating Cleveland Cavaliers coach Tyronn Lue na maging bagong head coach ng Los Angeles Clippers.

Batay sa ilang mga impormante, isinasapinal na lamang daw ang deal sa pagitan ni Lue at Clippers, na tatagal ng limang taon.

Si Lue ay dati ring lead assistant kay dating Clippers head coach Doc Rivers, na sinibak matapos malaglag ang koponan sa kanilang kampanya sa playoffs laban sa Denver Nuggets.

Inaasahan namang kukunin din bilang staff ni Lue si dating NBA player Chauncey Billups, na kandidato rin para maging coach ng Indiana Pacers.

Kung maaalala, sa ilalim ng pamumuno ni Lue, nasungkit ng Cavs at ni LeBron James ang kauna-unahan nilang NBA championship noong 2016.