-- Advertisements --
Plano muling magkaroon ng ilang exhibition fights si dating heavyweight champion Mike Tyson.
Kasunod ito ng katatapos na laban niya kay Roy Jones Jr na nagtapos sa draw.
Ayon sa 54-anyos na boksingero, masaya ito dahil sa kaniyang edad ay hindi ito pinatumba.
Tiniyak niya na magiging mas maganda ang kaniyang performance sa susunod na laban.
Target nitong gawin ang susunod na laban niya ay sa Monaco o sa France.
Magugunitang mayroon lamang walong round na tig-2 minutes kada round ang exhbition fight nila ng 51-anyos na ginanap sa Staples Center.