-- Advertisements --

Inanunsiyo ng dating world heavyweight champion Tyson Fury na ito ay tuluyan ng magreretiro.

Sa social media account nito ay isinagaw nito ang kaniyang tuluyang pagreretiro.

Huling laban niya ay nitong Disyembre ng talunin siya sa rematch ni WBA, WBC at WBO champion Oleksandr Usyk.

Una ng inanunsiyo nito ang pagreretiro noong Abril 2022 subalit bumalik sa boxing matapos ang anim na buwan.

Mayroon itong record na 34 panalo, dalawang talo at isang draw.