-- Advertisements --

Pinirmahan ng reigning world heavyweight champion Tyson Fury at Dillian Whyte ang kanilang fight contract.

Gaganapin ang paghaharap ng dalawang British heavyweight boxers sa Abril 23 na posibleng ito ay gawin sa London.

Nagkaroon kasi ng deadline si Whyte na siyang mandatory challenger sa World Boxing Council title ni Fury.

Nakuha ni Fury ang WBC title ng talunin si Deontay Wilder noong Pebrero 2020 matapos ang split decesion.

Huling laban ni Whyte ay halos 1 taon na ang nakalipas ng talunin siya ni Russian veteran boxer Alexander Povetkin.