-- Advertisements --
Tyson Fury
Tyson Fury/ IG post

Balak muling sumabak sa boxing si Tyson Fury matapos ang patumbahin sa ikalawang round si Tom Schwarz sa MGM Grand Garden Arena.

Napatumba ng 6-feet-9, 263 pound boxer si Schwarz sa ikalawang round.

Nakagawa pang tumayo si Schwarz pero tuluyan itong pinatumba ni Fury bago matapos ang ikalawang round.

Pinahinto na ni Kenny Bayless ang duguang si Schwarz sa loob ng 2:54 natitira ng ikalawang round.

Sinabi nito na ang naging susi ng panalo niya ay mag-enjoy lang sa sarili.

Ito ang unang pagkatalo ng 25-anyos na si Schwarz na mayroong record na 24-1 at 16 knockouts habang si Fury ay mayroong 28 wins, 0 loss at isang draw.

Sinabi pa niya na balak niyang muling lumaban sa Setyembre o Oktubre pero hindi na nito binanggit ang kaniyang susunod na makakalaban.