-- Advertisements --

Hindi muna prioridad ngayon ni dating US heavyweight boxing champion Mike Tyson na kaharapin si Evander Holyfield.

Sinabi nito na may napipili na siyang makakalaban para sa charity boxing event bilang tulong sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Ayon pa sa 53-anyos na boksingero na marami pa ring nakapila na boksingero na interesado itong makaharap.

Ipinagmalaki nito na nasa 104 kgs. na ang bigat nito at handang-handa na nito harapin ang sinumang ihaharap sa kaniya.

Magugunitang maraming mga boxing fans ang nagpahayag na nais nilang makita muli sa ikatlong pagkakataon na magharap sina Tyson at Holyfield.