-- Advertisements --

Plano pa ni dating heavyweight boxing champion Mike Tyson na magkaroon pa ng ilang mga laban matapos ang exhibition fight kay Roy Jones Jr.

Sinabi ng 54-anyos na boksingero na ang laban kay Jones ay simula pa lamang.

Huling nakitang lumaban kasi si Tyson ay noong 2005 laban kay Kevin McBride ng Ireland kung saan nabigo ito sa ika-anim na round sa pamamagitan ng technical knockout.

Magugunitang itinakda sa Nobyembre 29 ang laban ng dalawang boksingero.