-- Advertisements --

Ibinunyag ni legendary boxer Mike Tyson na muli itong sasabak sa boxing.

Sinabi ng veteran heavyweight boxer na tintignan nito ang Mayo 29 sa laban niya.

Hindi naman na ito nagbigay pa ng detalye at kung sino ang makakaharap niya.

Isa si Evander Holyfield na nais na makaharap ni Tyson sa muli niyang paglaban.

Unang nakaharap ni Tyson si Holyfield noong 1997 na nagtapos sa pangangagat nito sa tenga ni Holyfield.

Magugunitang noong Nobyebre ng makaharap niya si Roy Jones Jr sa 8-round exhibition fight.