Magkabilaang alok ngayon ang natatanggap ni dating heavyweight boxing champion Mike Tyson.
Ito ay matapos ang anunsiyo na siya ay babalik para lumaban sa charity boxing event.
Taong 2005 ng huling lumaban si Tyson ng talunin siya ni Kevin McBride.
Noong nakaraang linggo ay naglabas ng video si Tyson habang ito ay nagsasagawa ng training.
Magugunitang unang inalok ng Australian boxing promoter si Tyson ng $1-million na premyo para labanan sina Sonny Bill Williams at Paul Gallen.
Ngayon naman ay inalok siya ni David Feldman ang pangulo ng Bare Knuckle Fighting Championship ng $20 million na guarantee prize para makasama sa kaniyang organisasyon.
Napapaloob sa kontrata na may abilidad ang boksingero na mamili ng kaniyang makakalaban kapag nasa loob ng BKFC.