-- Advertisements --
tyson jones

Ngayon pa lamang pinagpipiyestahan na ng mga sugarol sa Las Vegas ang magaganap na laban nina retired boxing champion Mike Tyson at Roy Jones Jr.

Ito ay kahit gagawin ang bakbakan sa eight-round at isa lamang exhibition fight.

Ang exhibition match ng dalawa ay wala ring tatayong judges at maging ang official scoring.

Ang muling nalalapit na pag-akyat sa ring ng dating undisputed heavyweight champion na si Tyson ay sa Setyembre 12 sa Carson, California at ito ay sanctions ng California State Athletic Commission.

Sinasabing kung pupusta ang mananaya sa $350, mananalo lamang ito ng $100.

Dahil sa underdog naman ang 51-anyos na si Jones, ang pupusta sa kanya ng $100 ay babalik ang panalo na $275.

Magugunitang makailang beses na nagpakitang gilas sa social media ang 54-anyos na si Tyson.

Mayroong record ito na 50 panalo at anim na talo bago nagretiro, habang si Jones ay mayroong record na 66 panalo at siyam na talo.