-- Advertisements --

Ipinagmalaki ngayon ng boxing legend at dating heavyweight champion na si Evander Holyfield na malapit nang mabuo ang exhibition match nila ng mahigpit na karibal noon na si Mike Tyson.

Kung matuloy ang exhibition bout ito na ang ikatlong beses nilang pagtutuos.

Kung maalala dalawang beses na tinalo noon ni Holyfield si Tyson.

evander holyfield 1

Ang isa sa pinakakontrobersiyal sa kasaysayan ng boksing na kanilang laban ay nang kagatin ni Tyson ang tenga ni Holyfield noong taong 1997.

Sa ngayon si Tyson ay 54-anyos na, habang si Holyfield naman ay 58-anyos.

Kumpiyansa naman si Holyfield na posibleng matuloy ang kanilang harapan bago matapos ang taong ito.

Tiyak daw na kikita ito ng limpak-limpak na salapit na baka abutin pa raw ng $100 million.

Kung maalala noong nakaraang taon nagbalik sa ring si Tyson mula sa retirement at hinarap si Roy Jones Jr. sa eight-round match.

Ang naturang exhibition match ay bumenta ng 1.6 million PPV buys o kumita ng $80 million.