-- Advertisements --

Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte si University of the Philippines (UP) School of Statistics dean Dennis Mapa bilang bagong pinuno ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kabilang si Mapa sa mga bagong itinalaga ng Pangulong Duterte na inanunsyo ng Malacañang nitong Martes.

Sa impormasyon mula sa Palasyo, pinirmahan ng Pangulong Duterte ang kanyang appointment paper noong Lunes.

Uupo si Mapa sa kanyang bagong puwesto sa loob ng limang taon, na kapalit ni Lisa Grace Bersales na nagtapos na ang termino noong Abril 22.

Bago maitalaga nilang national statistician, nagsilbi si Mapa bilang dean at propersor sa UP, kung saan din nito nakuha ang kanyang bachelor’s degree sa Statistics.

Mayroon din itong dalawang master’s degrees na kapwa Statistics at Economics, at doctorate degree sa economics.