Nagsagawa ng isang tactical movement class ang U.S. Army 54th Security Forces Assistance Brigade (SFAB) engineer advisor team para sa Combat Engineer Regiment ng Philippine Army sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 10, 2024, bilang bahagi ng Joint Pacific Multinational Readiness Center-Exportable (JPMRC-X) Exercise.
Dumating sa Pilipinas ang U.S. Army advisers para suportahan at palakasin pa ang kakayahan ng Combat Engineer Regiment ng Philippine Army. Ang Combat Engineer Regiment ng Ph Army ay may mahalagang papel sa pagbibigay ng mobility, counter mobility, at survivability sa mga ground units sa panahon ng combat operations. Bukod dito, malaking bahagi rin ng kanilang trabaho ang disaster response operations.
Sa kauna-unahang Joint Pacific Multinational Readiness Center-Exportable Exercise naranasan ng mga tropa ng Philippine Army at USARPAC ang mga matitindi at makatotohanang training scenarios na idinisenyo para subukin ang kanilang kakayahan, gayundin ang pagharap sa mga hamon gaya ng language and procedural barriers.
Ang nasabing bilateral exercise ay sinusubukan din ang malawakang combat capabilities pagdating sa iba’t ibang lugar, kasabay ng pagtaguyod sa kahandaan at interoperability sa pagitan ng Philippine and US ground forces.
Ipinapakita ng aktibidad na ito ang patuloy na kooperasyon at pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng militar, at pagkakaisa sa harap ng mga hamong pangseguridad.