-- Advertisements --
Kumpiyansa umano si President Donald Trump na magkakaroon na ng kasunduan sa trade deal ng United States at China kasabay nang gaganapin na Asia-Pacific Economic Cooperation meeting sa Chile.
Base sa mga reports, sa Sabado ay nakatakdang magbigay ng detalye si Chinese Vice Premiere Liu He ukol sa progreso ng naturang trade deal.
“I think it will get signed quite easily, hopefully by the summit in Chile, where President Xi and I will both be,” saad ni Trump. “We’re working with China very well,”
Una rito, inanunsiyo ng White House na pumayag na ang China na bilhin ang halos $50 billion ng U.S. farm products kada taon.