Naging tago sa mata ng publiko ang isinasagawa ngayong trade talks sa pagitan ng United States at China sa Shanghai upang maiwasan umano na umasa ang nakararami na kaagad may mapagkakasunduan ang dalawang panig.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isasagawa ang naturang trade talk sa Shanghai.
Pangungunahan nina United States representative Robert Lighthizer, Treasury Secretary Steven Mnuchin, at Vice Premier Liu He ang pagpupulong.
Sa kabila nito, ay hindi na naglabas pa ng ibang detalye ang naturang bansa patungkol sa pag-uusapan ng dalawang kampo.
Naging usap-usapan din ang tila kontroladong pagsasa-publiko ng nasabing pagpupulong.
Nangangamba naman ang ilang kumpanya sa Estados Unidos sa posibleng kalabasan ng trade talks. Ngunit aniya, handa raw silang umisip ng paraan upang hindi matamaan ang kanilang negosyo kung sakali man na may mapagkasunduan ang dalawang bansa patungkol sa pagtaas ng taripa sa mga iniaangkat na produkto ng US.