-- Advertisements --

Sinimulan na ng United States Customs ang pagkolekta ng unilateral na 10% na taripa ni US President Donald Trump sa lahat ng inaangkat mula sa maraming bansa. 

Ang paunang 10% “baseline” na taripa na babayaran ng mga importer ng U.S. ay nagsimula sa mga seaport, paliparan at customs warehouse ng U.S. 

Kabilang sa mga bansang unang tinamaan ng 10% na taripa ay ang Australia, Britain, Colombia, Argentina, Egypt at Saudi Arabia. 

Nakasaad sa bulletin ng U.S. Customs and Border Protection sa mga shipper na walang grace period o  palugit para sa mga kargamento sa karagatan sa hatinggabi nitong Sabado.