-- Advertisements --
Simeon Biles
Simone Biles/ IG post

Nakapagtala ngayon ng panibagong record si US gymnast Simone Biles.

Ito ay matapos na magtagumpay ang 22-anyos na makagawa ng double-twisting double somersault dismount sa balance beam.

https://twitter.com/i/status/1160009764811575296

Isinagawa ng five-time Olympic medalist at 14-time world champion ang nasabing record sa 2019 US Gymnastics Championships sa Kansas City, Missouri.

Siya unang babae na nakagawa ng triple-double isang uri ng dalawang flips at tatlong twists sa ere.

Inaasahan na makuha nito ang kaniyang ika-anim na US title na walang sinumang babae na nakagawa bukod kay Clara Schroth Lomady noong 1952.