-- Advertisements --

Tiniyak ni US President Joe Biden na handang tumugon ang Amerika sa oras na gumamit ng weapons of mass destruction si Russian President Vladimir Putin.

Sagot ito ni Biden sa isang tanong mula sa press sa kanyang pagharap sa isang news conference sa NATO headquarters sa Brussels matapos ang kanyang pakikipagpulong sa NATO leaders at sa European Council hinggil pa rin sa nangyayaring digmaan ngayon sa Ukraine.

Sinabi ng US president na sa ngayon ay hindi siya maaaring makapagbigay ng kahit na anong information on intelligence ngunit nilinaw naman niya na magdedepende pa rin sa sitwasyon ang kanilang magiging tugon sa Russia.

Matatandaan na una rito ay sinabi ni NATO Secretary General Jens Stoltenberg na ang kanilang pakikipag-alyansa sa Amerika ay mas mapapatibay pa ang kanilang chemical, biological at nuclear defense systems sa gitna ng mga pangamba na pinaplano ng Russia na gumamit ng mga naturang armas laban sa mga mamamayan ng Ukraine.