-- Advertisements --
Kinumpiska ng US ang cargo ship ng North Korea dahil sa iligal na pagpuslit ng ilang toneladang coal.
Ang 17,061-ton carrier o kilalang Wise Honest ay ginagamit rin sa pagpuslit ng mga heavy machinery.
Paliwanag ng White House na kaya nila kinumpiska ang nasabing cargo ay dahil sa paglabag sa sanctions na ipinataw nila sa North Korea.
Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na mula Nobyembre 2016 hanggang Abril 2018 ay ginamit ito ng Korean Songi Shipping Company para mag-export ng ilang toneladang coal sa mga foreign purchasers.
Naaresto rin ang kapitan ng barko at ito ay kinasuhan na.