Ibabalik na muli ng US federal government ang pagpapatupad ng parusang kamatayan sa mga nakapila sa death-row.
Inatasan na ni Attorney General William Barr ang Bureau of Prison (BOP) na mag-schedule na ng pagbitay sa limang mga inmates.
Ang nasabing limang inmates ay nahatulan sa kasong murder at panggagahasa sa mga kabataan.
Itinakda ang nasabing pagbitay mula Disyembre 2019 hanggang Enero 2020.
Kinabibilangan nina Daniel Lee Lewis ang pumatay sa tatlong magkakaanak kabilang ang walong-taong gulang na batang babae; Lezmond Mitchell na pumatay sa 63-anyos na babae kasama ang siyam-anyos na apo nito, Wesley Ira Purkey, ang gumahasa ng 16-anyos na babae at pumatay sa 80-anyos na babaek, Alfred Bourgeois na nangmolestiya at pumatay sa dalawang taong-gulang na anak nito at Dustin Lee Honken ang pumatay sa limang katao kabilang ang dalawang bata.
Ang pagbabalik ng pagbitay ay ipapatupad matapos ang 16 na taon na pagkakahinto nito.
Huling binitay noong 2003 ay si Louis Jones Jr, ang 52-anyos na Gulf War veteran na dumukot at pumatay sa 19-anyos na sundalong si Tracie Joy McBride.