-- Advertisements --

Labis na ikinatuwa ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang tila pagkambyo ng United States sa halos apat na dekada nitong paniniwala ukol sa paksa ng Jewish settlements.

Hindi na raw kasi kinokonsidera ng US na inconsistent sa international law ang ipinaglalaban na karapatan ng Israel sa pagtatayo ng Jewish settlements sa West Bank.

Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, ang status ng West Bank ay nakasalalay umano sa magiging negosasyon sa pagitan ng Israelis at Palestinians.

“The establishment of Israeli civilian settlements is not, per se, inconsistent with international law,” saad ni Pompeo.

Para naman kay Netanyahu ang ginawang ito ng US ay isang hakbang upang itama ang isang bagay na matagal nang pinaniniwalaan na mali. Nanawagan din ito sa iba pang mga bansa na sundan ang ginawang desisyon ng Amerika.