-- Advertisements --

Magdaragdag ng 3,500 na mga sundalo ang US sa Middle East matapos ang pagpatay nila kay Iran military general Qassem Soleimani.

Ayon sa Pentagon, manggagaling ang karagdagang puwersa sa 82nd Airborne Division’s Global Response Force.

Maglalagay sila sa Kuwait bilang paghahanda sakaling gumanti ang Iran.

Magugunitang napatay sa pamamagitan drone attack sa Baghdad airport si Soleimani ang namumuno ng elite Islamic Revolutionary Guard Corps.

Si Soleimani ay siyang namuno sa overseas operations ng Iran na siyang itinuring ng US bilang foreign terrorist organization.

Nagsimula ang military career niya sa Iran-Iraq war noong dekada 80 at mula noon ay naging maimpluwensiya ito sa Middle East.

Mula 1998 ay pinamunuan na niya ang Quds Forces at siya ang nasa likod ng pag-atake ng Iran sa Iraq at Syria.

Naniniwala ang US na may mga Iraqi insurgents itong hawak na gumagawa ng bomba na kayang magpasabog ng mga sasakyang panggiyera ng US.

Siya rin ang itinuturong nasa likod ng bigong pang-aatake sa Saudi Arabia ambassador to the United States na si Adel Al-Jubeir noong 2011 sa Washington.