-- Advertisements --

Nagpakalat ng mahigit 100 kawani ng US Center for Disease Control and Preventions sa tatlong paliparan ng Estados Unidos.

Ito ay para matiyak na walang makapasok na pasahero na may dalang misteryosong bagong virus.

Sinabi ni Dr. Martin Cetron, director ng CDC division of global migration and quarantine, na masusi nilang sinusuri ang mga pasahero lalo na ang mga galing sa Wuhan, China ang lugar kung saan naitala ang misteryosong virus.

Titignan nilang mabuti kung may sintomas ng sakit gaya ng pag-ubo at hirap sa paghinga at tinitignan ang temperatura ng katawan ng pasahero sa pamamagitan ng infrared thermometer.

Nakakalat ang mga kawani ng CDC sa John F. Kennedy International Airport sa New York City, San Francisco International Airport at Los Angeles International Airport.