-- Advertisements --
Patuloy ang ginawang paglalayag ng US Navy destroyer sa mga isla na inaangkin ng China sa South China Sea.
Ayon kay Commander Reann Mommsen, tagapagsalita ng US Navy Seventh Fleet, nais nilang makita kung hanggang saan ang sinasabing sinasakop na ng China.
Wala aniya silang magagawa kung magalit ang China sa ginagawang paglayag ng destroyer Wayne E. Meyer.
Dagdag pa nito na tinangka na ng China ang mas maraming pa internal waters, territorial sea, exclusive economic zone at continental shelf na nasa ilalim ng international law.
Magugunitang bukod sa China ay ilang isla din ang inaangkin ng Brunei, Malaysia, Taiwan, Vietnam at Pilipinas.