-- Advertisements --
Nilinaw ng US Navy na ang ginagawa nilang paglalayag malapit sa dalawang pinag-aagawang isla sa South China Sea ay bahagi ng “freedom of navigation operations.”
Sinabi ni US Navy Commander Reann Mommsen, ang tagapagsalita ng 7th Fleet ng US Navy, naaayon sa international law ang ang ginagawa nila.
Wala aniyang halong pulitika o anumang kulay ang ginawa nilang paglayag sa Fiery Cross at Mischief Reef.
Nauna nang kinukuwestyon ng China ang ginawang ito ng US matapos na akusahan din sila ng pagtatayo ng mga military facilities sa lugar.
Magugunitang nagkakaroon ng trade disputes ang US at China dahil sa pagpataw ng mga matataas na taripa sa kani-kanilang mga produkto.