Pinatawan ng US Treasury ang tatlong North Korean hacking groups na sangkot sa “WannaCry” ransomware attacks at hacking ng mga international banks at customer accounts.
Kinilala ang grupo na sina Lazarus, Bluenoroff at Andariel na kontrolado ng RGB ang primary intelligence bureau ng North Korea.
Ang nasabing hakbang ay layong harangin ang US-related assets ng grupo at maiwasan ang pakikipag-ugnayan sa kanila.
Sinabi ni Sigal Mandelker, Treasure undersecretary for Terrorism and Financial intelligence, kaya nila ipinatupad ang hakbang ay para maiwasan ang anumang iligal weapon and missile programs.
Magugunitang pinabulaanan ng North Korea ang alegasyon ng United Nation na kumita sila ng $2 billion mula sa cyberattacks sa banko at cryptocurrency exchanges.