Magbibigay na ng official notice ang administrasyon ni President Donald Trump upang ipaalam ang desisyon nito na kumalas sa “Open Sky” treaty.
Ang naturang 34-nation agreement ay magbibigay pahintulot sa Estados Unidos, Russia at iba pang bansa na paliaparin ang kanilang eroplano sa teritory ng bawat isa.
Ayon kay Trump, hindi umano sumunod sa nasabing kasunduan ang Russia kung kaya’t mas nanaisin na lamang ng Amerika na ibasura ito.
Dagdag pa ni Secretary of State Mike Pompeo na matagal nang nagpapahiwatig ang Amerika na hindi na ito interesado na maging parte ng Open Sky Treaty.
“Effective six months from tomorrow, the United States will no longer be a party to the Treaty,” saad ni Pompeo. “We may, however, reconsider our withdrawal should Russia return to full compliance with the Treaty.”
Gayunman, sinigurado pa rin ng American president na maayos pa rin ang samahan sa pagitan nila ng Russia at magsisilbi umano itong oportunidad para makagawa ng bagong treaty agreement.
Kung magugunita, ilang ulit na inakusahan ng Trump administration ang Russia na paulit-ulit na lumabag sa kasunduan bilang hakbang umano nito na palawakin ang kanilang pinaplanong expansion. Ito’y matapos na hindi payagan ng nasabing bansa na lumipad ang kahit anong eroplano sa kanilang himpapawid.