-- Advertisements --
SOUTH KOREA US

Nais talakayin ni U.S national security adviser John Bolton ang usapin patungkol sa bilateral issues kasama ang mga opisyal ng South Korea.

Ito ay kasabay ng mga kasalukuyang problema na kinakaharap ngayon ng South Korea tulad na lamang ng pananakot ng Japan na tuluyang tanggalin ang South Korea sa kanilang white list, natigil na nuclear talks kasama ang North Korea at pati na rin ang regional airspace dispute nito.

Nakipagkita si Bolton kina South Korea’s chief of National Security Office Chung Eui-yong, Defence minister Jeong Kyeong-doo, at Foreign Minister Kang Kyung-wha upang pag-usapan ang iba’t ibang usapin kasama na rito denuclearisation sa Korean Peninsula at ilang paraan upang patibayin pa ang alyansa ng South Korea at Estados Unidos.

“I think the main objective we have, and I know that you have, is to emerge with a stronger ROK-US alliance that really has kept the peace in this part of the world for a long time,” ani Bolton.

Pinasalamatan naman ni Kang si Bolton dahil sa patuloy na pagtulong ng Estados Unidos sa kanilang bansa lalong lalo na raw sa Strait of Hormuz sa Middle East.

“I think your leadership trying to keep things stable in that region has been very much appreciated, and we’re fully supportive of that as well,” saad ni Kang.

Sinisigurado ngayon ng United States na makukuha nito ang suporta mula sa mga ka-alyado nitong bansa upang mas higpitan pa ang pagbabanta sa oil shipping lanes sa Middle East.

Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin nawala ang hinala ng nakararami sa umano’y posibilidad na humingi ng tulong si Bolton mula sa South Korean military.

Una nang ipinahatid ng South Korea ang kanilang pagnanais na tulunagn din ang U.S

“There are many challenges out there, some in this part of the world, some in other parts of the world, but I’m confident that the ROK and U.S. will work very closely together to resolve them,” ani Bolton.