-- Advertisements --
Handang-handa ang mga mambabatas sa U.S. sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni President Donald Trump.
Gaganapin ngayong araw ang unang Senate Session ng 2020 kung saan isa sa kanilang tatalakayin ay ang impeachment trial ni Trump.
Ayon sa ilang mga Republicans Senator na isang malaking hamon ngayon sa senado ang pagkalat ng mga panibagong ebidensiya laban kay Trump na nagpapatunay ang pag-uusap nila ng Ukraine President para imbestigahan ang katunggali nito na si dating US Vice President Joe Biden.
Magugunitang hindi pa ipinasa sa senado ni House Speaker Nancy Pelosi ang dalawang articles of impeachment hanggang hindi pa nagkakasundo ang Republicans at Democrats sa senado kung paano nila hahawakan ang impeachment.