-- Advertisements --
Kinansela ni 2020 Democratic presidential candidate Bernie Sanders ang kaniyang kampanya dahil ito ay nakatakdang operahan.
Nakaranas kasi ng pananakit ng dibdib ang 78-anyos na Vermont Senator habang ito ay nasa event sa Nevada.
Nilinaw naman ng kaniyang mga advisers na nasa mabuting kalagayan na ito.
Ayon sa kaniyang senior adviser Jeff Weaver na base sa medical evaluation ay walang anumang pagbara ang nakita sa kaniyang artery at matagumpay nilang inilagay ang dalawang stents o maliit na tubo para mapanatiling nakabukas ang arteries.
Hindi pa malinaw kung kailan magtatagal sa pagamutan si Sanders at kung makakadalo ito sa susunod na Democratic debate sa Oktubre 15.