-- Advertisements --

Umatras na sa pagtakbo bilang pangulo ng U.S. si Democratic senator Kamala Harris.

Sinabi nito na dahil sa kakulangan ng pondo ay hindi na niya maipagpapatuloy pa ang kaniyang kampanya sa pagkapangulo.

Hindi aniya ito bilyonaryo na kayang pondohan ang kaniyang kampanya at hirap din itong makakuha ng pondo.

Magugunitang inanunsiyo nito ang pagtakbo sa pagkapangulo noong Enero subalit nahirapan itong makakuha ng pondo.

Noong Nobyembre rin ay marami sa kaniyang staff sa Baltimore Headquarters at sa New Hampshire ay tinanggal sa trabaho.

Nagpahayag naman ng kalungkutan ang kaniyang katunggali sa pagkapangulo na si Joe Biden dahil isa ang senador na sinasabing matinding kalaban nito sa nasabing posisyon.

Maging si Cory Brooker ay hindi rin itinago ang kaniyang kalungkutan ng mabalitaan ang pag-atras nito sa pagkapangulo.

Ang California Senator at dating San Francisco attorney general ay kuwalipikado na sa next round ng Democratic debates na gaganapin sana sa susunod na buwan.

May inisyal itong nalikom na pondo na $12 million sa unang tatlong buwan ng kaniyang kampanya subalit napabayaan niya itong i-maintain.