Pumanaw na US singer-saxophonist na si Eddie Money sa edad 70.
Ayon sa kaniyang pamilya nagkaroon na ng kumplikasyon ang kaniyang stage 4 esophageal cancer.
Noong Hulyo ay kinansela na niya ang kaniyang summer tour dahil sa developing pneumonia habang ito ay nagpapagaling sa kaniyang heart valve surgery.
Ipinanganak si Edward Joseph Mahoney sa tunay na buhay sa Brooklyn na naging miyembro ng New York Police District ng dalawang taon.
Taong 1968 ng ito ay nagtungo sa California para ipursige ang kaniyang pagiging rock star.
Nagtrabaho sa mga local clubs sa Berkeley bago pumirma ng kontrata sa Columbia Records noong 1976.
Ilan sa mga kantang pinasikat nito ay ang “Two Tickets to Paradise” , “Take Me Home Tonight”, “Baby Hold On” at maraming iba pa.
Umabot pa sa apat dekada ang kaniyang career at nakapagbenta ito ng 28 million records.