WASHINGTON DC – Pinangunahan ni US President Donald Trump ang pagsasapubliko ng official U.S. Space Force seal.
Ang nasabing simbulo ay nakalaan para sa pinakabagong armed service ng Estados Unidos na bubuo, magsasanay at mangangasiwa sa space forces na poprotekta sa kanilang bansa at mga kaalyado nito.
Ipinagmalaki naman ni Trump kanilang “best space capabilities” sa buong mundo.
Ang delta symbol, na siyang nasa gitna ng logo ay unang ginamit noong 1942 ng U.S. Army Air Forces.
Kamakailan ay una nang pinirmahan ng US president ang pagpopondo sa bagong branch ng US military.
Ang alokasyon sa Space Force ay umaabot sa $738 billion, na pinakamalaking military investment sa kasaysayan ng Amerika.
Ang pasinaya ng Space Force ay popondohan ng $40 million sa una nitong taon.
“Amid grave threats to our national security, American superiority in space is absolutely vital,” ani Trump.
“We’re leading, but we’re not leading by enough, but very shortly we’ll be leading by a lot… The Space Force will help us deter aggression and control the ultimate high ground,” dagdag pa ng US leader.