Nagtagumpay muli ang administrasyon ni U.S President Donald Trump matapos itong payagan ng U.S Supreme Court na ilipat ang $2.5 billion o higit kumulang 200 bilyong piso na military funding upang pagpapatayo ng pader sa U.S-Mexico border sa Arizona, California at New Mexico.
Noong Pebrero nang ianunsyo ni Trump ang kaniyang plano na itayo ang naturang pader sa kabila ng pagtutol ng Kongreso.
Sa inilabas na maikling pahayag ng korte upang ipaliwanag ang kanilang naging desisyon, nakasaad dito na wala raw sapat na ebidensya upang magsampa ng kaso ang mga grupong sinusubukan na harangin ang nasabing pagpapagawa ng pader.
Ikinatuwa naman ng American president ang naging desisyong ito ng korte suprema.
Kasabay ng ruling na ito ay ang pagpirma ni Trump sa kasunduan kasama ang Guatemala upang pabagalin ang iligal na pagpasok ng mga Central American immigrants na nais magtago sa Estados Unidos.