-- Advertisements --
Inakusahan ng White House ang China ng pambubully sa patuloy na aktibidad nito sa South China Sea.
Sinabi ni US national security advisor John Bolton, na lubhang nakakabahala ang ginagawang pananakot nito ng China sa lugar.
Naninindigan ang U.S. na kanilang hindi sinasang-ayunan ang mga ginagawa nito ng China na nagdudulot ng pangamba ng seguridad at regional peace.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng patuloy na paglalayag ng mga Chinese warship, pag-aarmas ng mga island outpost , pagbangga sa ilang mga fishing vessels sa mga isla na matatagpuan sa lugar na pinag-aagawan ng Brunei, Malaysia, Pilipinas at Vietnam.