-- Advertisements --

Tiniyak ng U.S. forces na sa loob lamang ng 24 oras makakayang magresponde sila sakaling makaranas na matinding kalamidad tulad ng super typhoon signal number 5 ang Pilipinas tulad ng pananalasa ng malakas na bagyong Yolanda sa Samar at Leyte noong 2013.

Ito ang inihayag ni US Exercise Director CPX-Staffex (Command Post-Staff Exercise) Combined Exercise Control Group Balikatan 33-2017 Major Andrew Merz.

Sinabi ni Merz na ang mga tulong na ibibigay ng Amerika ay mga hindi available sa bansa gaya ng lift at logistics supports

Ang nasabing pagsasanay ay isinasagawa sa Command and General Staff College (CGSC) sa Camp Aguinaldo.

Sinimulan ang PH-US Balikatan joint military exercises noong Mayo 8 at magtatapos sa Mayo 19 ng taong ito.

Nasa 2,600 ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na lumahok sa ehersisyo habang nasa 2,800 naman mula sa tropang Kano sa senaryo ng iba’t-ibang uri ng pagsasanay na nakatutok sa Humanitarian Assistance Disaster Response (HADR) at anti-terrorism campaign.

Sa isinagawang STAFFEX nasa 75 ang military officers na lumahok habang aabot naman sa 40 mula sa AFP habang nagsilbi namang mga observers ang mga miyembro ng Australian at Japanese forces.

Pahayag ni Merz nq sakaling makaranas muli ng category 5, signal number 5 o super typhoon ang Pilipinas ay tutulong ang U.S. forces sa abot ng kanilang makakaya .