-- Advertisements --

Nailigtas na ang isang American tourist at driver nito na dinukot sa national park sa southwestern Uganda.

Sinabi ni Uganda military spokesman Brigadier Richard Karemire na hindi sinaktan at mapayapang nailigtas ang biktimang si Kimberly Sue Endecott, 35.

Maging ang driver nito ay nailigtas naman sa Congo subalit nakatakas ang mga dumukot na suspeks.

Hindi naman binanggit ng mga otoridad kung may binayaran ba ang mga dinukot na biktima.

Magugunitang dinukot ang dalawa noong Abril 4 habang sila ay nasa Queen Elizabeth National Park kung saan humingi pa ang mga kidnappers na aabot sa $500,000.