Kakaibang pagdiriwang ng kaniyang ika-60 kaarawan ang ginawa ng singer na si Bono.
Matapos na batiin siya ng ilang milyong fans ay inihayag naman ng U2 frontman ang mga musikero na naghubog sa kaniya na maging singer.
Tinawag niya itong Bono’s playlist kung saan makikita agn 60 na mga kanta na kaniyang napili na makikita sa ilang mga music platform gaya ng YouTube, Spotify at iba pa.
Kinabibilangan ito ng mga kantang “Heartbreak Hotel” ni Elvis Presley, “I Want to Hold your Hand” ng Beatles at “Mother” ni John Lennon.
May mga pop songs din itong inilagay gaya ng kanta ni Lady Gaga na “Born This Way” , “Everything I Wanted” ni Billie Ellish at “Black Skinhead” ni Kanye West.
Sinabi nito na ang nasabing mga kanta ay siyang bumuhay sa kaniya kung ano ang narating niya ngayon.
Gumawa rin ito ng mga sulat sa bawat singer na kaniyang napili at inilagay niya ang sarili bilang isang fan.