-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ang 83rd season ng University Athletic Association of the Philippines dahil sa patuloy na COVID-19 pandemic.

Ayon sa league organizers, ayaw nilang isugal ang kalusugan ng mga mag-aaral.

UAAP STATEMENT

Dagdag pa ng liga na naging mahirap sa panig nila ang tuluyang pagkansela ng nasabing liga.

Nauna ng kinansela ng UAAP ang mga natitirang laro sa UAAP 82 dahil sa pandemic.

Sinasabing plano pa rin nilang isagawa ang laro sa buwan ng Abril.

Ito ang unang pagkakataon na kinasela ang nasabing laro mula noong Season 8 dahil sa World War II noong 1945.