Inilunsad na ng United Arab Emirates (UAE) at China ang phase 3 ng clinical trial ng coronavirus vaccine.
Ang trial agreement ay pinirmahan ng UAE-based artificial intelligence at cloud computing company G42 at Sinopharm Group isang Chinese pharmaceutical company na nasa ilalim ng China National Biotec Group.
Ang nasabing paglunsad ng bagong phase ay paraan ng pag-uunahan ng mga bansa para makahanap ng scientific solution sa pandemic.
Inaasahan ng mga researchers na makakagawa na ng bakuna hanggang 2021.
Sa nasabing phase 3 ay makikita rito kung gaano kaepektibo ang nasabing bakuna sa mga tao.
Maaari rin itong gamitin para makumpirma ang resulta mula phase 1 at 2 vaccine trial sa sample size.
Ilang libong katao ang inaasahang makikibahagi sa nasabing phase 3 trials.
Ayon sa World Health Organization, na mayroong 16 na bakuna ang nakahanay para sa nasabing virus na inaasahang matatapos na ngayong taon.