-- Advertisements --
Binabaan ng United Arab Emirates sa 16-anyos mula sa dating 18-anyos ang minimum age requirement para makatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.
Ito ay ayon sa ministry of health.
Magiging libre ang pagpapabakuna ng mamamayan ng UAE, na binubuo ng pitong emirates, ng coronavirus vaccine na gawa ng Chinese pharmaceutical giant na Sinopharm.
Sa emirate ng Dubai lamang, papipiliin ang mga citizen at residente kung alin sa Sinopharm o Pfizer-BioNTech vaccine ang nais nilang maiturok sa kanila.
Hindi naman tinukoy ng National Emergency Crisis and Disaster Management Authority ng bansa kung aling bakuna ang apektado ng bagong minimum age requirement. (Reuters)