Ginawaran ng gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) ng royal clemency ang higit sa 115 na Pailipino na convicted sa ibat ibang offense sa kanilang bansa bilang bahagi ng obserbasyon ng Ramadan at ang nalalapit na Eid Al-Fitr.
Pinasalamatan ng Philippine Embassy ang gobyerno ng UAE sa pamumuno ng Presidente nito na si Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, Vice President at Prime Minister Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum sa ginawang paggawad ng clemeny sa mga Pilipino.
Sa isang pahayag, ipinarating ng embahada na ang aksyon na ito ay nagpapakita lamang ng ‘true spirit of mercy’ lalo na ngayong obserbasyon ng Ramadan na siyang konsepto umano ng pagkakaisa.
Itinuturing rin na isang daan ang naging paggawad ng clemency sa mga kababayang pinoy para sa mas malalim at matibay na koneksyon at samahan sa pagitan ng Pilipinas at ng UAE.
Samantala, talaga namang binibigyang halaga ng PH Embassy ang humanitaraian principles ng UAE para sa pagbibigay ng patuloy na suporta sa mga Pilipino na kasalukuyang nasa kanilang bansa.