CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pa umano ngayon nangangailangan ng mga tulong mula sa international community ang United Arab Emirates na unang nakaranas ng malakang pagbaha partikular sa syudad ng Dubai.
Ito’y kahit pataas ang bilang ng mga kompirmadong tao na nasawi epekto ng kalamidad kung saan tatlo sa mga bangkay na narekober ay Pinoy workers.
Sa iniulat ni Dubai-based Bombo International News Correspondent Al Glenn Rodorocio na kaya pamahalaan ng UAE government ang kinaharap na pagsubok ng bansa dahilan na hindi rin idineklara ang state of calamity.
Sinabi ni Rodorocio na bagamat napaghandaan ng gobyerno ang paparating na bagyo subalit hindi nila inaasahan ang pagbuhos ng ulan na katumbas ng isang buwan.
Bagamat hindi naglabas ang gobyerno ng inisyal na danyos subalit tanging tiniyak umano nito na babangon sila mula sa epekto ng kalamidad.