-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng United Arab Emirates (UAE) na nalabanan na nila ang COVID-19 crisis.

Ayon kay Abu Dhabi Crown Prince Mohammed bin Zayed na dahil sa pagbaba na ng kaso ay makakabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga tao.

Bagamat inamin nito na may mga pagbabago sa trabaho at pag-aaral ganon din sa pamumuhay ay hindi nito ipinagkaila na nalampasan daw nila ang krisis dulot ng COVID-19.

Paglilinaw naman nito, patuloy pa rin ang pagsusuot ng facemask at pagsunod nila sa social distancing.

Sa kabuuan aniya ay aabot sa 737,000 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa UAE kabilang na ang 2,104 na nasawi.