Matagumpay na inilunsad ng United Arab Emirates ang kanilang kauna-unahang moon rover na sariling gawa nila sa buwan.
Isinakay sa SpaceX Falcon ang Rashid Rover na isinagawa ang pagpapalipad sa Cape Canaveral Space Force Station sa Florida.
Ang Rashid Rover ay gawa ng Mohammed bin Rashid Space Centre (MBRSC) ng Dubai na ito ay dineliver ng HAKUTO-R lander mula sa Japanese lunar exploration company ispace.
Kapag nagtagumpay ang pagdating nito sa buwan magiging ang HAKUTO-R ang magiging unang commercial spacecraft na na-controlled landing sa buwan.
Dahil sa low energy ang rota nito sa buwan ay inaasahan na makakarating ito sa buwan ng Abril 2023.
Kapag nakarating na sa buwan ay maglalaan ito ng isang lunar day o katumbas ng 14.75 araw sa mundo na magsasagawa ng main operations.
Sa ikalawang lunar day na isasagawang secondary operations ay titignan kung ang rover ay maka-survive sa matinding environment sa buwan bago ang pag-decomission dito.