-- Advertisements --
NASA Astronaut
NASA astronaut/ NASA Twitter

Magpapadala na ang United Arab Emirates (UAE) ng astronaut sa kalawakan.

Ito ay matapos kasama ang isang astronaut ng UAE sa tatlong crew members na magtutungo sa International Space Station (ISS).

Sakay sa Soyuz spacecraft na inilunsad sa Baikonur, Kazakhstan sina Oleg Skriprochka ng Russia, NASA astronaut Jessica Mier at Hazzaa Ali Almansoori ang kauna-unahang Emirati astronaut.

Inaasahan na aabot sa 5 oras at 48 minuto.

Ang 35-anyos na si AlMansoori ay dating fighter jet pilot ay mananatili ng walong araw sa ISS.

Siya ang kauna-unahang Arabo na bibisita sa higanteng scientific laboratory na umiikot sa mundo.

Ayon sa NASA na ang tatlo ay makakasa ang siyam na crew members na nasa ISS.

Babalik sa mundo si AlMansoori sa Oktubre 3 kasama si Russian cosmonaut Alexey Ovchinin at NASA astronaut Nick Hague habang sina Skripochka at Mier ay babalik sa Abril 1 kasama si NASA astronaut Andrew Morgan.