-- Advertisements --

Inanunsiyo ng United Arab Emirates (UAE) ang pagpili nila sa unang babaeng Arab na magsasanay bilang astronaut.

Ang 27-anyos na si Emirati national Nora al-Matrooshi na isang mechanical engineering graduate na nagtarabaho ngayon sa Abu Dhabi National Petroleum ay kabilang na sa 2021 Astronaut Candidate Class sa US.

Si Nora ay isa sa 4,300 na aplikante na masusing sinala ang kaniyang scientific abilities, education at practical experience kaya napili ng mga opisyal ng Mohammed Bin Rashid Space Center.

Ginagamit ng UAE ang kanilang space program para maka-develop ng scientific and technological capabilities para mabawasan ang pagiging tiwala sa kanilang mga langis.

Nauna rito noong Pebrero ay umabot na sa orbit ng planetang Mars ang UAE space project ng UAE na siyang naging unang interplanetary expedition ng Arab.

Plano rin ng UAE na maglunsad ng moon rover sa 2024.