Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbukas ng pintuan ang United Arab Emirates sa mga naghahanap ng trabaho ant mga overseas Filipino workers (OFW) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Labor Attaché John Rio Bautista ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai na muling kukunin ng Dubai Duty Free shops ang nasa 600 na OFW na unang tinanggal.
Nagkaroon ng pakikipag-ugnayan ang gobyerno ng UAE para sa panunumbalik sa trabaho ng mga OFW.
May ilang employer din sa nasabing bansa ang nagpahayag ng interest na kumuha ng mga Filipino at mga health professionals.
Aabot sa mahigit 8,000 na job orders para sa mga household service workers (HSW) ang natulungan na ng POLO mula noong Abrila kung saan 6,000 sa kanila ang dumating na sa Dubai.